MENSAHE NI KABAYAN NOLI DE CASTRO
SENATE COMMITTEE CHAIRPERSON ON CULTURAL COMMUNITIES ON THE THANKSGIVING RITUAL OF THE TRIBAL GOVERNMENT FOR THE ENACTMENT OF THE IPRA LAW AT VILLA ESCUDERO RESORT ON OCTOBER 20, 2002
Isang malaking karangalan na mabati ang kinatawan ng Tribal Government of Mindanao sa Araw ng Pasasalamat para sa Indigenous Peoples Rights Act of 1997 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng mga Katutubo sa taong kasalukuyan. Masasabi rin naming na an gaming pagdalo at pagpapaunlak sa inyong imbitasyon ay tanda n gaming pagsuporta, pagkilala at pagpapahalaga sa inyong karapatan at kapakanan.
Bagamat ang IPRA ay limang taon na ngayon, masasabi pa rin nating marami pa tayong ipapatupad at isasakatuparan para mapangalagaan ang mga karapatan ng mga katutubo, ilan ditto ang pagkilala sa mga banal na kaugalian, tradisyon at katutubong batas sa kanilang pamamalakad.
Bilang bagong tagapamuno ng Senate Committee on Cultural Communities nais kong samantalahin ang pagkakataong ito na mailahad ang aking balakin sa mga unang araw ng aking panunungkulan sa Komite/
Pangunahin sa ating mga isasa alangalang sa Komite an gating panukalang magpapatupad ng isang Pambansang Scholarship and Lietracy Program para sa mga kapatid nating mga katutubo. Layunin ng panukalang ito na magkaroon ang mga katutubo ng pantay na pagkakataong makapag-aral hindi lang sa mababang paaralan bagkus hanggang post-graduate,maging ditto man o sa labas ng bansa.
Bukod ditto ay ating sinusuportahan ang pagbubuo ng isang Tribal Security Force, Mindanao wide-census ng mga katutubo tulad ng iminumungkahi ng Tribal Governor sa Mindanao na si Datu Higyawan na Holag-ayan.
Naniniwala ako na tanging mga katutubo lamang ang naangkop na mangalaga sa karapatan ng kapwa nila katutubo nang naayon sa kanilang kultura at tradisyon.
Upang mas matulungan an gating mga katutubo , atin ding pagtuunan na pansin ang pagsasagawa ng Census ng mga Indigenous Peoples sa pakikipagtulungan ng NCIP at national Statistics Office.
At sa panahon ngayon na pinag-uusapan na sa kamara ang pambansang budget atin ding pag-aaralan nang husto kung paano matitiyak na ang pondong laan sa NCIP ay buo nitong matatanggap.
Makaka-asa kayo na ang inyong Kabayan ay mananatiling tapat sa lahat ng aking mga binitawang pangako at patuloy akong magiging boses ng bayan sa Senado lalong lalo na sa mga karapatang katutubo.
Muli, isang taus pusong pasasalamat sa inyong pagtitiwala sa aking kakayahan na makapaglingkod sa buong komunidad.